Friday, September 23, 2011

Quotable Quote

I ONLY care what you think of yourself. If you feel your value lies in being merely decorative, I fear that someday you might find yourself believing that’s all you really are. Time erodes all such beauty. But what it cannot diminish is the wonderful workings of your mind – your humor, your kindness, and your moral courage. These are things I so cherish in you.




- Mrs. March, Little Women

Monday, September 19, 2011

Walang Pamagat

Ibang klase talaga ang tulin ng panahon. Ang takbo nito ay parang tren na dumaraan at tumitigil lamang sa bawat estasyon upang maghatid at magsundo ng pasahero. Pambihinrang tulin at Setyembre na naman! Ilang tulog na lang at Pasko na. Ako man na napapalibutan ng kalendaryo sa opis ay nabigla pa rin.

Ilang linggo na lang pala at kaarawan ko na. Parang hindi yata tama dahil hindi pa ako handang tumanda nang isa na namang taon! Ibig sabihin kasi nito ay karagdagang responsibilidad, karagdagang puting hibla ng buhok, at syempre, ang paulit-ulit at walang-katapusang pag-udyok ng mga tao sa akin na mag-asawa na sa lalong madaling panahon. Eh kung kasing bilis lang din ba ng rumaragasang bus sa EDSA ang pagkilos ng lalaking makisig na gusto ko, sana ay matagal na akong nalagay sa tahimik. Pero sandali lang, tahimik naman ang aking buhay sa ngayon at wala akong reklamo. Ang lalaking makisig na binanggit ko ay marahil naliligaw pa at hindi ako matagpuan. Sana hulugan siya ng mapa ng Singapura ng Diyos at nang makita na niya ang daan. O kaya naman maisipan niyang i-google kung saan ako matatagpuan. Hehe.

Pero walang biro, masarap ang maging single. Kung aking babalikan ang mga nangyari sa akin at ang mga proyektong (parang konsehal lang) aking pinapasukan, maging ang iba't-ibang lugar na aking napuntahan na, naiisip kong ako ay lubos na pinagpala dahil nagawa ko ang lahat nang iyon.

Masarap mabuhay, lalo na kung napalilibutan ka ng mga mabubuting kaibigan na mahilig tumawa at magpatawa (at maglaro ng Pinoy Henyo). Masarap mabuhay kung malambot ang kama at mabango ang punda ng aking unan. Masarap mabuhay kung bawat linggo ay nakakabili ka ng sorbetes na pinalaman sa dalawang manipis na biskwit, Wall's ang tatak. Masarap mabuhay kung ang amo mo ay pinapayagan kang umuwi nang maaga para mapanuod ang lumang pelikulang Hudyo na may subtitle na Ingles dahil lang gusto mo. Masarap mabuhay para makinig ng musika sa mga kasangkapang gawa ni Steve Jobs at maglaro ng Angry Birds. Masarap mabuhay, lalung-lalo na kung alam mong sagot ka Niya. ;-)


 nuong Bente Singko pa ako

P.S. Naaalala niyo pa ba yung kantang, ♫ Tatlong bente singko lang ang aking kailangan, upang makausap ka kahit sandali lang... Tatlong bente singko sa isang araw, tatlong beses ko ring maririnig sa iyong mga labi... 

Paalam!

Thursday, September 1, 2011

CEASE AND DESIST


...your phone stalking activities. That's not very cool, bro.

Seriously.